QUEZON PROVINCE – Trahedya ang bumalot sa isang pamilya matapos na agad na masawi ang limang taong gulang na batang babae nang makapitan ng salabay o dikya habang naliligo sa isang beach resort sa Buenavista, Quezon, nitong Lunes, Hunyo 2.
Ayon sa report ng pulisya, nagtungo ang pamilya sa sa Deocales Resort, sa Brgy. Mabutag para sa family outing.
Bandang alas 12:00 ng tanghali, naliligo ang isa tiya ng biktima nang lumusong ang bata at tumabi sa paliligo dito.
Magkatabing naliligo ang dalawa nang bigla na lamang sumigaw ang bata.
Nakapitan na pala ito ng salabay sa kanyang kamay at braso.
Agad itong sinaklolohan at binigyan ng paunang lunas, at saka isinugod sa ospital subalit tuluyan ding binawian ng buhay dahil sa matinding lason na gumapang sa kamay nito mula sa dikya.
Labis ang pagdadalamhati ng pamilya na kahapon lang ay kapiling ang bata at hindi sukat akalain na sa isang iglap ay mawawala ito dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
Bilang paalala sa publiko, pinayuhan ng mga kaanak ang lahat ng nagpaplano o kasalukuyang nagswi-swimming na laging pag-ingatan ang kanilang mga anak dahil hindi anya biro ang makapitan ng salabay
ULAT ni Ronilo Dagos
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025