OCCIDENTAL MINDORO – Sinuspinde pansamantala ni Governor Eduardo Gadiano ang dredging operations sa Mamburao, Occidental Mindoro dahil sa iba’t ibang reklamo ng mga residente ng Barangay Talabaan na nakakasakop sa lugar.
Bahagi ang dredging operations sa Pagbahan river sa river restoration program ng provincial government upang maiwasan ang pagbaha sa Occidental Mindoro.

Larawan mula sa Occidental Mindoro PIO.
Ipinatupad ni Gadiano ang suspension ng dredging operations nitong Lunes sa PERRC Construction and Development Corporation matapos ang reklamo ng residenteng si Zenaida Esparas sa Citizens Compliant hotline 8888 ng Malacanang.
Ilan sa mga reklamo ng mga residente ay ang banta nito sa pagkasira ng kalikasan lalo’t hindi na umano sa bunganga ng ilog nagsasagawa ng pagkuha ng buhangin ang mga barko kungdi sa mismong dagat na.
Inirereklamo rin ng mga residente ang matinding ingay na dulot ng dredging operations ng mga barko.
Nauna nang pinagpapaaksyon ng DENR- MGB Mimaropa at DILG Mimaropa su Governor Gadiano sa reklamo dahil siya rin ang chairperson ng Inter-Agency Committee na nangangasigawa sa dredging operations.
Personal na nag-inspeskyon nitong Martes sa Pagbahan river sa Barangay Talabaan sa bayan ng Mamburao si Gadiano kasama ang ilan pang mga opisyal ng gobyerno na kinabibilangan ng DENR MGB Mimaropa, EMB- Mimaropa, DPWH Mimaropa, PNP, PCG , mga kinatawan ng PERRC Construction and Development Corporation at ang nagrereklamong mga residente sa pangunguna ni Esparas.
Sa pulong na pinangunahan ni Gadiano matapos ang inspeksyon, tinalakay ang ang pamamalagi ng mga barko sa labas ng dredging zone, kawalan ng public consultation bago sinumulan ang dredging activity at ang reklamo sa matinding ingay na idinudulot nito.

Inamin ng kinatawan ng dredging company na mayroon silang pagkakamali dahil sa limitasyon sa aktwal na operasyon ng barko particular na ang paggalaw ng kanilang mga barko sa labas ng itinakdang dreging zone.
Paliwanag ng kinatawan ng kumpanya, ginawa nila ito upang maprotektahan ang mga coral reefs na maaaring masira kung sila ay magsasagawa lamang ng operasyon sa mga lugar na itinakdang dredging zone.
Pero sabi ng IAC hindi tama ang ginawa ng PERRC dahil wala ito sa dredging master plan at hindi rin ito pinapayagan ng umiiral na regulasyon.
Dahil dito, nagbaba ng desisyon si Gadiano sa pagsuspinde sa operasyon ng dredging sa Pagbahan river sa Barangay Talabaan habang sinusuri ang mga dokumento ng dredging operations at habang isinasagawa ang mga kinakailangang amendment sa dredging plan.
Papalakasin din ang komunikasyon sa mga apektadong komunidad upang maipaliwanag kung bakit kinakailangang maisagawa ang dredging sa mga ilog.
Binigyaang diin ni Gov. Gadiano na mahalagang mapakinggan ang boses ng mamamayan at matiyak na ang bawat hakbang ng proyekto ay may kaukulang pagsasaalang-alang sa kapaligiran at kabuhayan ng mga mamamayan.
Nagbabala rin ang gobernador sa ibang mga kumpanya na nagsasagawa ng dredging sa mga ilog sa Occidental Mindoro na sumunod sa dredging master plan upang maiwasan ang mga hindi inaasahang pangyayari.
Noong nakaraang April 21, 20205 , nag-isyu ang provincial government ng Occidental Mindoro ng cease and desist order sa Bluemax Tradelink, Inc., isang kumpanya na nagsasagawa ng dredging operations sa Lumintao River sa bayan ng Rizal matapos na tumaob ang dredging vessel na ikinasawi ng 10 tripulante kabilang ang mga Filipino at Chinese.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025