PILILLA, Rizal – Dalawamput limang indibidwal ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Imatong, Pililla, Rizal, Sabado ng gabi.
Ayon sa report ng Pililla Municipal Police Station, , nagsimula ang sunog bandang 7:10 ng gabi sa Ferry-Tibay -Marientes Compound sa V. Flora St.
Limang bahay ang natupok sa sunog.
Sa imbestigasyon, posibleng sa faulty electrical wiring nagsimula ang apoy na tumupok sa buong gusali.
Wala naming naiulat na nasaktan o nasawi sa sunog na naideklarang under control bandang 8:10 ng gabi.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025