BAUAN, Batangas – Isa ang nasawi matapos sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Barangay Cupang, Bauan, Batangas, Sabado ng umaga.
Nilamon ng napakalaking apoy ang dalawang palapag na bahay na pagmamay-ari ng isang Alyas Mariafe, 59 na taong gulang.
Sa inisyal na imbestigasyon, 9:50 ng umaga nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay pero hindi pa matukoy ang dahilan nito.

Sinubukan pa umano ng asawa ng may-ari ng bahay na si Edison Magnaye, 56 na taong gulang na isalba ang ilang mga gamit pero nahirapan ito huminga.
Itinakbo siya sa Bauan Doctors General Hospital pero idineklarang dead on arrival ni Dr. Nathaniel Wong dahil umano sa atake sa puso.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring sunog.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025